FIL premid lec 3

  1. Tumutukoy ito sa tuwirang paggamit ng Filipino sa pakikipag-usap at pagtuturo.
    1. Direktang Pagtuturo (Direct Method)'
  2. Hindi ginagamit ang ibang wika (tulad ng Ingles) sa pagpapaliwanag, upang sanayin ang mga mag-aaral na direktang mag-isip at magsalita sa Filipino.
    1. Direktang Pagtuturo (Direct Method)
  3. Ang pokus ng metodo na ito ay ang aktwal na paggamit ng Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo.
    2. Komunikatibong Paraan (Communicative Language Teaching)
  4. Isinasaalang-alang ang emosyon at damdamin ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto.
    3. Pamamaraang Makatao (Humanistic Approach)
  5. Ang pagtuturo ay binibigyang-diin ang kagalingan ng bawat mag-aaral sa paggamit ng Filipino upang matamo ang tiwala sa sarili.
    3. Pamamaraang Makatao (Humanistic Approach)
  6. Ang mga mag-aaral ay binibigyan ng mga proyektong may kinalaman sa wika at panitikan, tulad ng paggawa ng sanaysay, pagbuo ng maikling pelikula, o pagsasalin ng kwento.
    4. Pagkatutong Batay sa Proyekto (Project-Based Learning)
  7. Isinasama ang Filipino sa ibang asignatura, tulad ng Araling Panlipunan, Edukasyong Pagpapakatao, at Agham.
    5. Integratibong Paraan (Integrative Approach)
  8. Sa ganitong paraan, natututo ang mga mag-aaral ng Filipino habang natututo rin ng iba’t ibang konsepto mula sa ibang asignatura.
    5. Integratibong Paraan (Integrative Approach)
  9. Sa pamamagitan ng pisikal na aksyon, natututo ang mga mag-aaral ng wika.
    6. Total Physical Response (TPR)
  10. Halimbawa, kapag tinuturo ang mga pang-ugnay o pandiwa, hinihikayat ang mga mag-aaral na gawin ang aksyon habang sinasabi ang mga salita upang mas madali nilang matutunan ang kahulugan ng mga ito.
    6. Total Physical Response (TPR)
  11. Nagtutuon sa pag-aaral ng wika sa pamamagitan ng mga tiyak na gawain o aktibidad.
    7. Pagkatuto Batay sa Gawain (Task-Based Learning)
  12. Nakatutok sa pag-aaral ng panitikan, tulad ng mga tula, maikling kwento, at dula.
    8. Pagdulog na Pampanitikan (Literary Approach)
  13. Ginagamit ang mga awit at laro sa pagtuturo upang gawing mas masaya at kasiya-siya ang pagkatuto.
    9. Gamit-Awit at Gamit-Laro (Songs and Games)
  14. Sa metodong ito, tinuturuan ang mga mag-aaral na magsaliksik at maghanap ng mga solusyon sa mga tanong o problema.
    10. Pananaliksik na Batay sa Suliranin (Problem-Based Learning)
  15. Ang pokus ng metodong ito ay sa mga tuntunin ng balarila (grammar) at estruktura ng wika.
    2. Estrukturang Pagdulog (Structural Approach)
  16. Binibigyang diin ang pagsasalin ng mga salita, parirala, at pangungusap mula Filipino patungo sa Ingles o iba pang wika, at kabaliktaran, upang mahasa ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa parehong wika.
    11. Pagsasalin at Pagtutumbas (Translation Method)
  17. Dito, sistematikong tinuturo ang mga bahagi ng pananalita at tamang pagkakabuo ng pangungusap.
    2. Estrukturang Pagdulog (Structural Approach)
  18. Sa metodong ito, inuulit at pinakikinggan ang mga tamang porma ng wika upang matutunan ito.
    13. Audiolingual Method
  19. Nakabatay sa ideya na natututo ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang sariling karanasan.
    14. Metodolohiyang Konstruktibismo (Constructivist Approach)
  20. Sa metodong ito, nagtutulungan ang mga mag-aaral sa mga gawain at talakayan upang mas mapalawak ang kanilang pagkatuto.
    15. Kolaboratibong Pagkatuto (Collaborative Learning)
Author
archjune
ID
365702
Card Set
FIL premid lec 3
Description
Updated