Prinsipyo at Etika ng Komunikasyon

  1. Ang komunikasyon ay nagmula sa salitang _________.
    communicare
  2. Ang komunikasyon ay isang proseso na binubuo ng __________ ng mensahe at ___________ nito.
    tagapadala, tagatanggap
  3. Ang _________ ng tagapadala ng mensahe at tagatanggap ang nagsisilbing komunikasyon.
    interaksyon
  4. Ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipagpalitan ng mensahe gamit ang iba't ibang ________ o _________.
    symbolo, pamamaraan
  5. Ang _______ na uri ng komunikasyon ay sa pamamagitan ng salita (pasulat man o pasalita) o word-based.
    berbal
  6. Ang _______ na uri ng komunikasyon ay sa pamamagitan ng larawan o simbolo (visual-based).
    biswal
  7. Ang _______ na uri ng komunikasyon ay sa pamamagitan ng kilos o gawa (action-based).
    'Di-berbal
  8. Ito ay tumutukoy sa lawak ng komunikasyon o ang dami ng bilang ng mga kalahok o lawak ng sakop sa proseso ng komunikasyon.
    Lebel ng Komunikasyon
  9. (Lebel ng Komunikasyon) Komunikasyong pansarili
    Intrapersonal
  10. (Lebel ng Komunikasyon) komunikasyon ng dalawa o higit pang indibidwal; maaaring 'di berbal o berbal
    Interpersonal
  11. (Lebel ng Komunikasyon) komunikasyon ng tatlo hanggang dalawampung indibidwal; face-to-face o online na pamamaraan; mahalaga ang paglutas sa suliranin
    Panggrupo
  12. (Lebel ng Komunikasyon) pormal, planado; kinasasangkutan ng mahigit dalawampung tagapakinig; inaasahang handa ang tagapagsalita
    Pampubliko
  13. (Lebel ng Komunikasyon) hindi malinaw sa tagapagsalita kung anong uri o saang pangkat kabilang ang kanyang mga tagapakinig; mediated; pinakapormal at pinakamagastos
    Pangmadla
  14. Tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe.
    Nagpapadala / Sender
  15. Ito ang ideya o salitang nabuo na ipapadala sa kausap.
    Mensahe
  16. Ano ang dalawang uri ng mensahe?
    Mensaheng Pangnilalaman at Mensaheng Pangrelasyunal
  17. (Uri ng Mensahe) Ito ang kahulugan ng loob ng mensaheng ipinapadala.
    Mensaheng Pangnilalaman
  18. (Uri ng Mensahe) Binibigyang tuon dito ang relasyon o pagitan ng dalawang nag-uusap.
    Mensaheng Pangrelasyunal
  19. Ito ang namamagitan o pinagdadaanan ng mensahe.
    Daluyan
  20. Dalawang kategorya ng daluyan
    Sensori at Institusyonal
  21. (Kategorya ng Daluyan) ginagamit ang limang pangunahing pandama ng katawan bilang daan sa pakikipagkomunikasyon
    Sensori
  22. (Kategorya ng Daluyan) Tumutukoy ito sa mga makabagong
    teknolohiyang ginagamit ng tao bilang daan sa pag-unlad ng panahon sa
    pakikipagkomunikasyon
    Institusyonal
  23. Siya ang nagdedecode ng mensaheng ipinadala ng kanyang kausap. Ang pagbibigay pakahulugan sa mensaheng ipinadala ay nakasalalay sa
    kanyang pag-unawa.
    Tagatanggap / Decoder
  24. Dito nakatuon kung naging mabisa ang pagpapadala ng mensahe sa kanyang kausap sapagkat ito ang magiging sukatan ng siklo ng komunikasyon.
    Tugon / Feedback
  25. Tatlong uri ng tugon
    • Tuwiran
    • Di-tuwiran
    • Naantala
  26. (Uri ng Tugon) Ang mensaheng agad-agad na natatatanggap ng kanyang kausap.
    Tuwiran
  27. (Uri ng Tugon) Ang mensahe kung ito ay natanggap sa pamamagitan ng paggamit ng di-berbal.
    Di-tuwiran
  28. (Uri ng Tugon) Kung ang mensaheng ipapadala ay nangangailangan pa ng oras at panahon.
    Naantala
  29. Ang isang _______ o ___________ ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing sagabal na proseso ng komunikasyon. Tandaan na hindi lamang ito nakapaloob sa tunog.
    ingay, interference
  30. Apat na uri ng interference o ingay
    • 1. Semantikang Sagabal
    • 2. Pisikal na Sagabal
    • 3. Pisiyolohikal na Sagabal
    • 4. Sikolohikal na Sagabal
  31. (Uri ng Ingay) Natatagpuan sa salita o pangungusap mismo. Kadalasan
    itong nakapokus sa konotasyon at denotasyon.
    Semantikang Sagabal
  32. (Uri ng Ingay) Tinutukoy dito ang pisikal na anyo ng kapaligiran.
    Pisikal na Sagabal
  33. (Uri ng Ingay) Nakatuon ito sa katawan ng nagpapadala o ng tumatanggap ng mensahe.
    Pisiyolohikal na Sagabal
  34. (Uri ng Ingay) Nakapokus ito sa pagkakaiba-iba ng mga kinalakihang paligid at pagkakaibaiba ng kinagawiang kultura na maaaring magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mensahe.
    Sikolohikal na Sagabal
  35. Ang __________ bilang bahagi ng komunikasyon ay tumutukoy sa sitwasyon at pinangyayarihan ng proseso ng komunikasyon.
    konteksto
  36. Isang sistemang kinapapalooban ng pagpapahalagang moral, sosyal, at kultural ng isang lipunan.
    Etika
  37. Mga bagay na isinasaalang-alang bago magpasya
    • Epekto ng Desisyon
    • Damdamin
    • Panlipunang pananaw
    • Relihiyon
    • Paniniwala
  38. Kategorya ng Etika
    • Personal
    • Panlipunan
    • Pang-konserbasyon
  39. Kategorya ng Panlipunang Etika
    • Karapatan
    • Hustisya
    • Epekto
    • Pagkalinga
  40. Pamantayan sa Komunikasyong Etikal
    • 1. Maging malinaw at ibigay sa mambabasa ang lahat ng impormasyong kailangan.
    • 2. Ilahad ang katotohanan sa pasulat o pasalita mang paraan.
    • 3. Iwasang magbigay ng husga sa impormasyong ipahahatid sa mga mambabasa.
    • 4. Kung may alinlangan, isagguni ito sa tamang tao o eksperto para sa angkop na payo.
    • 5. Iwasan ang pagmamalabis o eksaherasyon.
    • 6. Maging matapat at igalang ang opinyon o ideya ng iba.
  41. Ito ay nagbabanta sa kalidad ng komunikasyon at kaya't naapektuhan ang kapakanan ng indibidwal at lipunan.
    Hindi Etikal na Komunikasyon
  42. Mga hindi etikal na paraan ng komunikasyon
    • Coercive (mapilit)
    • Destructive (nakasisira)
    • Deceptive (mapanlinlang)
    • Intrusive (pakikialam)
    • Secretive (malihim)
    • Manipulative / Exploitative
  43. (Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Laging gawing mahusay ang
    pakikipag komunikasyon na magkakaroon ng __________ sa kausap, indibiduwal man o grupo.
    interaksiyon
  44. (Pangunahing Etika ng Komunikasyon) __________ kapag nagsasalita ang kausap.
    Makinig
  45. (Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Iwasang maging ___________ sa
    pagpapahayag, pagsasalita man o pasulat.
    mapanghusga
  46. (Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Magpahayag nang mula sa sariling _________ at perspektibong maibahagiang sariling naiisip, pangangailangan at damdamin.
    karanasan
  47. (Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Sikaping __________ ang kausap kaysa igiit na talagang tama ang iyong sinasabi.
    maunawaan
  48. (Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Iwasang magsalita para sa iba na hindi naman makatitiyak na pareho ang inyong __________.
    pag-unawa
  49. (Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Magkaroon ng _________ sa mga ipinapahayag na kung ano lamang ang hangganan ng iyong nalalaman o kung saan ka lamang comportable ay iyon lamang ang ibahagi.
    limitasyon
  50. (Pangunahing Etika ng Komunikasyon) ________ din kung ano lamang ang nalalaman o gusto ipahayag ng kausap.
    Igalang
  51. (Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Iwasan din ang biglang ___________ habang may sinasabi pa ang kausap at huwag magbibigay ng biglaang komento sa sinasabi ng kausap.
    pagsingit
  52. (Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Tiyaking ang kausap o mga kausap ay nakapagsasalita rin at hindi __________ ang kausap.
    nadodomina
  53. Etika sa Pampubliko o Pangmasang Komunikasyon
    • Katotohanan
    • Censorship
    • Privacy
    • Paggalang at pagpapahalaga sa ibang kultura
    • Kaangkupan
  54. Mga moral na patnubay na ginagamit ng tao bilang gabay sa pagdedesisyon at maunawaan kung ano ang tama at mali. Ito ay nagsisilbing balangkas kung anong dapat sundin bilang isang propesyonal.
    Ethical Codes
  55. 3 ethical codes
    • 1. Code of ethics (social issues)
    • 2. Code of conduct (influence the behavior of employees)
    • 3. Code of practice (professional responsibility)
Author
raine
ID
361002
Card Set
Prinsipyo at Etika ng Komunikasyon
Description
Updated