-
Ang komunikasyon ay nagmula sa salitang _________.
communicare
-
Ang komunikasyon ay isang proseso na binubuo ng __________ ng mensahe at ___________ nito.
tagapadala, tagatanggap
-
Ang _________ ng tagapadala ng mensahe at tagatanggap ang nagsisilbing komunikasyon.
interaksyon
-
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipagpalitan ng mensahe gamit ang iba't ibang ________ o _________.
symbolo, pamamaraan
-
Ang _______ na uri ng komunikasyon ay sa pamamagitan ng salita (pasulat man o pasalita) o word-based.
berbal
-
Ang _______ na uri ng komunikasyon ay sa pamamagitan ng larawan o simbolo (visual-based).
biswal
-
Ang _______ na uri ng komunikasyon ay sa pamamagitan ng kilos o gawa (action-based).
'Di-berbal
-
Ito ay tumutukoy sa lawak ng komunikasyon o ang dami ng bilang ng mga kalahok o lawak ng sakop sa proseso ng komunikasyon.
Lebel ng Komunikasyon
-
(Lebel ng Komunikasyon) Komunikasyong pansarili
Intrapersonal
-
(Lebel ng Komunikasyon) komunikasyon ng dalawa o higit pang indibidwal; maaaring 'di berbal o berbal
Interpersonal
-
(Lebel ng Komunikasyon) komunikasyon ng tatlo hanggang dalawampung indibidwal; face-to-face o online na pamamaraan; mahalaga ang paglutas sa suliranin
Panggrupo
-
(Lebel ng Komunikasyon) pormal, planado; kinasasangkutan ng mahigit dalawampung tagapakinig; inaasahang handa ang tagapagsalita
Pampubliko
-
(Lebel ng Komunikasyon) hindi malinaw sa tagapagsalita kung anong uri o saang pangkat kabilang ang kanyang mga tagapakinig; mediated; pinakapormal at pinakamagastos
Pangmadla
-
Tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe.
Nagpapadala / Sender
-
Ito ang ideya o salitang nabuo na ipapadala sa kausap.
Mensahe
-
Ano ang dalawang uri ng mensahe?
Mensaheng Pangnilalaman at Mensaheng Pangrelasyunal
-
(Uri ng Mensahe) Ito ang kahulugan ng loob ng mensaheng ipinapadala.
Mensaheng Pangnilalaman
-
(Uri ng Mensahe) Binibigyang tuon dito ang relasyon o pagitan ng dalawang nag-uusap.
Mensaheng Pangrelasyunal
-
Ito ang namamagitan o pinagdadaanan ng mensahe.
Daluyan
-
Dalawang kategorya ng daluyan
Sensori at Institusyonal
-
(Kategorya ng Daluyan) ginagamit ang limang pangunahing pandama ng katawan bilang daan sa pakikipagkomunikasyon
Sensori
-
(Kategorya ng Daluyan) Tumutukoy ito sa mga makabagong
teknolohiyang ginagamit ng tao bilang daan sa pag-unlad ng panahon sa
pakikipagkomunikasyon
Institusyonal
-
Siya ang nagdedecode ng mensaheng ipinadala ng kanyang kausap. Ang pagbibigay pakahulugan sa mensaheng ipinadala ay nakasalalay sa
kanyang pag-unawa.
Tagatanggap / Decoder
-
Dito nakatuon kung naging mabisa ang pagpapadala ng mensahe sa kanyang kausap sapagkat ito ang magiging sukatan ng siklo ng komunikasyon.
Tugon / Feedback
-
Tatlong uri ng tugon
- Tuwiran
- Di-tuwiran
- Naantala
-
(Uri ng Tugon) Ang mensaheng agad-agad na natatatanggap ng kanyang kausap.
Tuwiran
-
(Uri ng Tugon) Ang mensahe kung ito ay natanggap sa pamamagitan ng paggamit ng di-berbal.
Di-tuwiran
-
(Uri ng Tugon) Kung ang mensaheng ipapadala ay nangangailangan pa ng oras at panahon.
Naantala
-
Ang isang _______ o ___________ ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing sagabal na proseso ng komunikasyon. Tandaan na hindi lamang ito nakapaloob sa tunog.
ingay, interference
-
Apat na uri ng interference o ingay
- 1. Semantikang Sagabal
- 2. Pisikal na Sagabal
- 3. Pisiyolohikal na Sagabal
- 4. Sikolohikal na Sagabal
-
(Uri ng Ingay) Natatagpuan sa salita o pangungusap mismo. Kadalasan
itong nakapokus sa konotasyon at denotasyon.
Semantikang Sagabal
-
(Uri ng Ingay) Tinutukoy dito ang pisikal na anyo ng kapaligiran.
Pisikal na Sagabal
-
(Uri ng Ingay) Nakatuon ito sa katawan ng nagpapadala o ng tumatanggap ng mensahe.
Pisiyolohikal na Sagabal
-
(Uri ng Ingay) Nakapokus ito sa pagkakaiba-iba ng mga kinalakihang paligid at pagkakaibaiba ng kinagawiang kultura na maaaring magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mensahe.
Sikolohikal na Sagabal
-
Ang __________ bilang bahagi ng komunikasyon ay tumutukoy sa sitwasyon at pinangyayarihan ng proseso ng komunikasyon.
konteksto
-
Isang sistemang kinapapalooban ng pagpapahalagang moral, sosyal, at kultural ng isang lipunan.
Etika
-
Mga bagay na isinasaalang-alang bago magpasya
- Epekto ng Desisyon
- Damdamin
- Panlipunang pananaw
- Relihiyon
- Paniniwala
-
Kategorya ng Etika
- Personal
- Panlipunan
- Pang-konserbasyon
-
Kategorya ng Panlipunang Etika
- Karapatan
- Hustisya
- Epekto
- Pagkalinga
-
Pamantayan sa Komunikasyong Etikal
- 1. Maging malinaw at ibigay sa mambabasa ang lahat ng impormasyong kailangan.
- 2. Ilahad ang katotohanan sa pasulat o pasalita mang paraan.
- 3. Iwasang magbigay ng husga sa impormasyong ipahahatid sa mga mambabasa.
- 4. Kung may alinlangan, isagguni ito sa tamang tao o eksperto para sa angkop na payo.
- 5. Iwasan ang pagmamalabis o eksaherasyon.6. Maging matapat at igalang ang opinyon o ideya ng iba.
-
Ito ay nagbabanta sa kalidad ng komunikasyon at kaya't naapektuhan ang kapakanan ng indibidwal at lipunan.
Hindi Etikal na Komunikasyon
-
Mga hindi etikal na paraan ng komunikasyon
- Coercive (mapilit)
- Destructive (nakasisira)
- Deceptive (mapanlinlang)
- Intrusive (pakikialam)
- Secretive (malihim)
- Manipulative / Exploitative
-
(Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Laging gawing mahusay ang
pakikipag komunikasyon na magkakaroon ng __________ sa kausap, indibiduwal man o grupo.
interaksiyon
-
(Pangunahing Etika ng Komunikasyon) __________ kapag nagsasalita ang kausap.
Makinig
-
(Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Iwasang maging ___________ sa
pagpapahayag, pagsasalita man o pasulat.
mapanghusga
-
(Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Magpahayag nang mula sa sariling _________ at perspektibong maibahagiang sariling naiisip, pangangailangan at damdamin.
karanasan
-
(Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Sikaping __________ ang kausap kaysa igiit na talagang tama ang iyong sinasabi.
maunawaan
-
(Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Iwasang magsalita para sa iba na hindi naman makatitiyak na pareho ang inyong __________.
pag-unawa
-
(Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Magkaroon ng _________ sa mga ipinapahayag na kung ano lamang ang hangganan ng iyong nalalaman o kung saan ka lamang comportable ay iyon lamang ang ibahagi.
limitasyon
-
(Pangunahing Etika ng Komunikasyon) ________ din kung ano lamang ang nalalaman o gusto ipahayag ng kausap.
Igalang
-
(Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Iwasan din ang biglang ___________ habang may sinasabi pa ang kausap at huwag magbibigay ng biglaang komento sa sinasabi ng kausap.
pagsingit
-
(Pangunahing Etika ng Komunikasyon) Tiyaking ang kausap o mga kausap ay nakapagsasalita rin at hindi __________ ang kausap.
nadodomina
-
Etika sa Pampubliko o Pangmasang Komunikasyon
- Katotohanan
- Censorship
- Privacy
- Paggalang at pagpapahalaga sa ibang kultura
- Kaangkupan
-
Mga moral na patnubay na ginagamit ng tao bilang gabay sa pagdedesisyon at maunawaan kung ano ang tama at mali. Ito ay nagsisilbing balangkas kung anong dapat sundin bilang isang propesyonal.
Ethical Codes
-
3 ethical codes
- 1. Code of ethics (social issues)
- 2. Code of conduct (influence the behavior of employees)
- 3. Code of practice (professional responsibility)
|
|