Sinopsis, Bionote, Panukalang Proyekto

  1. ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati at iba pang anyo ng panitikan.
    Ang SINOPSIS O BUOD
  2. ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang.
    Ang buod
  3. Sa pagsulat ng ________ mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita.
    synopsis
  4. Ang (2) Layunin ng pagbubuod o pagsulat ng synopsis ay:
    (1) naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin

    (2) Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito.
  5. Ang ________ ay maaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay dituwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito
    pahayag ng tesis
  6. Sa pagsulat ng synopsis o buod, mahalagang maipakilala sa mga bansa nito kung anong akda ang iyong ginagawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa (3)
    PAMAGAT, MAY-AKDA, AT PINANGGALINGAN NG AKDA.
  7. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG SINPOSIS O BUOD (7)
    • 1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.
    • 2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
    • 3. Kung angdamdaming naghahari sa akda ay malungkot, dapat na mararamdaman din ito sa buod nagagawin.
    • 4. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap
    • 5. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang synopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
    • 6. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay at mga bantas na ginagamit sapagsulat.
    • 7. Huwag kalimutang isulat ang mga sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
  8. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINOPSIS O BUOD
    • 1. Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos na nauunawaan ay ulit- ulitin itong basahin.
    • 2. Mapadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama dahil maisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang mahahalagang diwa ng teksto.
    • 3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsunud-sunod ng mga detalye:
    • Sekwensyal
    • Kronolohikal
    • Prosidyural
    • 4. Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna at wakas. Huwag lagyan ng sariling opinyon o kuru-kuro ang isinusulat
    • 5.Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto atsistematikong pagsulat.
  9. pagsunud-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod tulad ng una, pangalawa, pangatlo, susunod at iba pa
    Sekwensyal
  10. pagsusunud-sunod ng mga impormasyon mahahalagang detalye ayon sa pangyayari
    Kronolohikal
  11. pagsunud-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa.
    Prosidyural
  12. Paglalagom
    BIONOTE
  13. Ang BIO ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “ (1)_______”. Nagmula rin sa wikang Griyego ang salitang graphia na ang ibig naming sabihin ay “ (2)_______” (Harper 2016). Sa pagsasanib ng dalawang salita nabubuo ang salitang BIOGRAPHY o “tala ng buhay”.
    • 1. Buhay
    • 2 Tala
  14. Ang (1)______ ay mahabang salaysay ng buhay ng isang tao. Mula rito ay nabubuo naman ang (2)________. Ito ay talatang naglalaman ng maikling deskripsyon tungkol sa (3)______ sa loob ng karaniwa’y dalawa hanggang tatlong pangungusap o isang talata lamang na madalas ay kalakip ng artikulo o akdang isinulat ng taong pinatutungkulan (Word-Mart 2009). Isinulat ang (4)_______ upan madaling matandaan ang tala ng buhay ng isang tao sa sandaling panahon ng pagbasa. Tinitingnan ang bionote bilang “ (5)______” o buhay at “ (6)_______” o dapat tandaan, kaya masasabing ito ay tala sa buhay na dapat tandan.
    • 1. BIOGRAPHY
    • 2. BIONOTE
    • 3. may-akda
    • 4, bionote
    • 5. bio
    • 6. note
    • 7.
  15. Ito ay isang maikling talang pagkakakilanlan sa pinakamahahalagang katangian ng isang tao batay sa kanyang mga nagawa.
    bionote
  16. Kalimitan itong naririnig na binabasa upang ipakilala ang napiling susing tagapagsalita ng palatuntunan. Sa ganitong paraan, nabibigyang-ideya ang mga tagapakinig o delegado kung ano ang kakanyahan ng panauhing tagapagsalita sa loob ng sandaling panahon lamang.
    Bionote
  17. Ginagamit din ang (1)_______ sa paglalathala ng mga: (2)_____, (3)______, (4)________ at iba pang publikasyon na nangangailangan ng pagpapakilala ng manunulat o ng sinumang kailangang pangalan. Bagama’t may pagakakatulad sa mga impormasyon ang bionote, (5)______, at (6)______ ay Malaki pa rin ang pagkakaiba ng mga ito sa anyo at kalikasan ng bawat isa.
    • 1. bionote
    • 2. journal
    • 3. magazine
    • 4. antolohiya
    • 5. curriculum vitae
    • 6. autobiography
  18. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE
    • 1. Dapat na maikli lamang ang nilalaman. Gumamit ng payak na salita upang madali itong mauunawaan at makamit ang totoong layunin nito maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikling at tuwirang paraan.
    • 2. Palaging ginagamit ang ikatlong panauhan sa pagtukoy ng taong inilalahad o inilalarawan sa bionote
    • 3. Dapat kinikilala ang mambabasa na pagtutuonan sa pagsulat ng bionote.
    • 4. Binibigyang-diin ang pinakamahalagang impormasyon. Mahalagang gamitin ang pyramid style sa pagsulat ng bionote upang maging gabay sa pagsulat mula sa mga natamong karangalan hanggang sa maliit na detalye ng kanyang buhay.
    • 5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.
    • 6. Dapat maging tapat sa paglalahad ng susulating impormasyon.
    • 7. Huwag kalimutang isulat ang mga sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
  19. Panukalang Proyekto Pyramid (6)
    • 1. Pamagat ng Proyekto
    • 2. Nagpanukala o nanguna sa Proyekto
    • 3. Lugar kung saan isinagawa o ipinatupad
    • 4. Petsa ng pagpapatupad
    • 5. Tao/ mga taong nagpapatupad/ nagsasagawa ng proyekto
    • 6. Pakinabang o magandang dulot ng proyekto
  20. Ito ay isang samahang tumutulong sa mga nongovernmental organization (NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
    Ang Panukalang Proyekto

    ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective
  21. ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag- uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito
    panukalang proyekto
  22. ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
    panukalang proyekto

    Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing
  23. Sa klase, ito ay inihahanda upang mabigyan ang guro ng pagkakataong masukat at masuri ang halaga at pakinabang ng inihahandang proyekto ng isang mag-aaral o grupo ng mag-aaral.
    ang panukalang proyekto
  24. Ang _______ ay maaaring isang pananaliksik na may kaugnayan sa agham, humanidades,o agham panlipunan.
    proyekto
  25. ito ay kailangang maging tapat na dokumneto na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikhang positibong pagbabago.
    Panukalang Proyekto
  26. kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito.
    Panukalang Proyekto
  27. Mga dapat gawin sa pagsulat ng Panukalang Proyekto
    • A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
    • B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
    • C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito
  28. Mula rito ay maaari mo nang isulat ang panimula ng iyong panukalang proyekto kung saan ito ay naglalaman ng suliraning nararanasan ng pamayanan, kompanya, o organisasyonng pag-uukulan nito at kung paanong makatutulong sa kanilang pangangailangan ang panukalang proyektong iyong isasagawa. Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin na ____________
    Pagpapahayag ng Suliranin.
  29. Sa bahaging ito makikita ang mga bagay na gustong makamit o pinaka-adhikain ng panukala. Kailangang maging tiyak ang layunin at isulat batay sa mga inaasahang reuslta ng panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano makakamit ang mga resultang ito.
    Layunin
  30. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008), ang layunin ay kailangang maging _____.
    SIMPLE
  31. nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
    Specific
  32. nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
    Immediate
  33. may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto
    Measurable
  34. nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
    Practical
  35. nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
    Logical
  36. masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
    Evaluable
  37. Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
    Plano ng Dapat Gawin

    Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunud-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong kakailangin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Dapat maging makatotohanan. Mas makabubuti kung maisasama sa talaakdaan ng gawain ang petsa kung kalian matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin. Kung hindi tiyak ang mismong araw na maaaring matapos ang mga ito ay maaaring ilagay na lamang kahit linggo o buwan.
  38. ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing ______ ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto. Ito ay ang talaan ng mga gagastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
    Badyet
  39. mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng badyet
    a. Gawing simple at malinaw ang badyet.

    b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito.

    c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo.

    d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin.
  40. Balangkas ng Panukalang Proyekto
    • 1. Pamagat ng Panukalang Proyekto
    • 2. Nagpadala
    • 3. Petsa
    • 4. Pagpapahayag ng Suliranin
    • 5. Layunin
    • 6. Plano ng Dapat Gawin
    • 7. Badyet
    • 8. Pakinabang
  41. Kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
    Pamagat ng Panukalang Proyekto
  42. naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
    Nagpadala
  43. o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaanao katagal gagawin ang proyekto.
    Petsa
  44. dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
    Pagpapahayag ng Suliranin
  45. naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isigawa ang panukala.
    Layunin
  46. Dito makikita ang talaan ng pagkasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
    Plano ng Dapat Gawin
  47. ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto.
    Badyet
  48. kadalasan ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito.
    Pakinabang
  49. Ang pag-apruba ng panukalang proyekto ay kadalasang nakasalalay sa malinaw na pagsasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila. Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsassakatuparan ng layunin. Maaari ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto.
    C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito
  50. Matapos na mailahad ang suliranin ay isunod na gawin ang pinakakatawan ng sulating ito na binubuo ng layunin, planong dapat gawin, at badyet.
    B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
  51. Bago lubusang isulat ang panukalang proyekto, kailangang tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng iyong project proposal.Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.
    A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
Author
Yel
ID
356843
Card Set
Sinopsis, Bionote, Panukalang Proyekto
Description
FilipinosaPilingLarang
Updated