Talumpati at Posisyong Papel

  1. ay isang paraan sa pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tungkol sa isang partikular na paksa.
    pagtatalumpati
  2. Karaniwang isinusulat ito upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
    pagtatalumpati
  3. Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na maaaring ipapahayag sa pamamagitan ng paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at pangangatwiran.
    pagtatalumpati
  4. Binibigkas ang talumpati sa harap ng tagapakinig batay sa sumusunod na apat na uri:
    • 1. Biglaang Talumpati (Impromptu)
    • 2. Maluwag (Extemporaneous)
    • 3. Manuskrito
    • 4.Isinaulong Talumpati
  5. Ipinapahayag ang talumpati na walang paghahanda o ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
    Biglaang Talumpati (Impromptu)
  6. Sa uri na ito ay binibigyan ng ilang minuto ang mananalumpati sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay.
    Maluwag (Extemporaneous)
  7. Pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat dahil ginagamit ito sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik.
    Manuskrito
  8. Mahusay rin itong pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang kaibahan lang nito sa manuskrito ay sinasaulo ito at binibigkas ng tagapagsalita.
    Isinaulong Talumpati
  9. Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin (6)
    • 1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
    • 2. Talumpating Panlibang
    • 3. Talumpating Pampasigla
    • 4. Talumpating Panghikayat
    • 5. Talumpati ng Pagbibigay-galang
    • 6. Talumpati ng Papuri
  10. Ang talumpating ito ay may layuning ipaalam sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Mahalagang gumamit ng mga larawan, tsart, dayagram at iba pa na makatutulong upang maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos sa pagsulat ng ganitong uri ng talumpati.
    Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
  11. Ang talumpating ito ay may hangarin na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kadalasang ginagawa ang ganitong uri ng talumpati sa mga salo-salo, pagtitipong sosyal at mga pulong ng mga samahan.
    Talumpating Panlibang
  12. Pagbibigay inspirasyon sa mga nakikinig ang layunin ng talumpating ito na karaniwang isinasagawa sa araw ng pagtatapos sa mga paaralan at pamantasan, anibersaryo ng organisasyon at iba pang pagdiriwang.
    Talumpating Pampasigla
  13. Pangunahing layunin ng talumpating ito na himukin ang mga tagapakinig na tanggapin ang posisyon ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga ebidensiya. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sermong naririnig sa mga simbahan, kampanya ng mga politiko, talumpati sa Kongreso, at maging ang talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman.
    Talumpating Panghikayat
  14. Tanggapin ang bagong kasapi ng kasamahan o organisasyon ang pangunahing layunin ng talumpating ito.
    Talumpati ng Pagbibigay-galang
  15. Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagpapahalaga o pagsaludo sa isang tao o samahan.
    Talumpati ng Papuri
  16. Mga Dapat isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati (4)
    • A.Uri ng mga Tagapakinig
    • B.Tema o Paksang Tatalakayin
    • C.Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
    • D.Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati
  17. Mahalagang magkaroon ng impormasyon ang mananalumpati tungkol sa kaalaman, pangangailangan at interes ng kanyang magiging tagapakinig
    Uri ng mga Tagapakinig
  18. Ang ilan sa dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig (Lorenzo et al.,2002) ay ang sumusunod:
    • 1. Ang edad o gulang ng mga makikinig
    • 2. Ang bilang ng mga makikinig
    • 3. Kasarian
    • 4. Edukasyon o antas sa lipunan
    • 5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig
  19. ang mga hakbang na maaaring isagawa sa pagsulat ng talumpati
    Tema o Paksang Tatalakayin

    • 1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin
    • 2. Pagbuo ng Tesis – Ang tesis ang magsisilbing pangunahing ideya.
    • 3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto
  20. May tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati (Casanova at Rubin,2001).
    Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati


    • 1. Kronolohikal na Hulwaran
    • 2. Topikal na Hulwaran
    • 3. Hulwarang Problema-Solusyon
  21. Ayon kay Alemitser P. Tumangan, Sr. et al., may-akda ng Retorika sa Kolehiyo, ang isang talumpati ay kailangang magtaglay ng tatlong bahagi.
    • 1. Introduksiyon
    • 2. Diskusyon o Katawan
    • 3. Katapusan o Kongklusyon
  22. Introduksiyon
    Mahalaga ang isang mahusay na panimula upang:
    • a) mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig
    • b) makuha ang kanilang interes at atensiyon
    • c) maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakaysa paksa
    • d) maipaliwanag ang paksa
    • e) mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
    • f) maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe
  23. Ang kawastuhan, kalinawan at kaakit-akit sa katawan ng talumpati ay kailangang taglayin nito.
    Diskusyon o Katawan
  24. Nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati sa bahaging ito. Ito rin ay kalimitang maikli ngunit malaman.
    Katapusan o Kongklusyon
  25. Ito ay nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito.
    Haba ng Talumpati
  26. ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga matitibay katwiran ukol sa pinapanigang isyu.
    posisyong papel
  27. Kagaya ng isang debate, naghihikayat itong maipaglaban ang pinapaniwalaang tama.
    posisyong papel
  28. Ang pangangatwiran ang isang uri ng panghihikayat na naglalayong na pumanig sa opinyon manunulat.
    posisyong papel
  29. Sa bawat paglalahad ng (1)_________ mahalagang madepensahan ito upang mapatunayang mali o di kapanipaniwala ang mga binabatong isyu. Mas makatotohan ang pinapanigang isyu kung may (2)__________ o higit pang matitibay na ebidensya na magpapatunay.
    • 1. argumento
    • 2. tatlo
  30. Nauuri sa dalawa ang mga ebidensyang magagamit sa pangangatwiran ayon kina Constantino at Zafra, (1997) sinipi mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).
    • 1. Mga katunayan (facts)
    • 2. Mga opinyon
  31. nakabatay ito sa makakatotohanang ideya mula sa mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama. Maaarin gumamit ng mga taong nakasaksi o mga nakaranas ng pangyayari ngunit siguruduhin ang mga testimonya ay mapagkakatiwalaan. Ang mga datos ay hindi ibig sabihin pangmatagalan na ebidensya maari itong magbago depende sa mga bagong tukas na datos.
    Mga katunayan (facts)
  32. nakabatay sa mga ideyang pinaniwalaang totoo o sariling pananaw. Hindi ito makatotohan sapagkat nakabatay lamang ito sa sariling pagsusuri o judgement. Maaaring gamiting itong ebidensya pero kinakailangan ang mga opinyon ay nanggaling sa mga taong may awtoridad o mga kilalang tao sa lipunan kagaya ng mga iskolar, propesyunal, politiko at siyentipiko.
    Mga opinyon
  33. Narito ang mga hakbang dapat taglayin sa pagsulat ng posisyong papel mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016). (6)
    • 1. Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.
    • 2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
    • 3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
    • 4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
    • 5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
    • 6. Buoing ang balangkas ng posisyong papel.
  34. Sa pagbuo ng balangkas kailangan masunod ang pormat sa pagsulat ng posisyong papel. (3)
    • 1. Panimula
    • 2. Katawan
    • 3. Kongklusyon
  35. Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangan mailahad na ng maayos ang paksa at ang katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa nasabing posisyon.
    Panimula
  36. Kung saan Lohikal pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga ebidensya
    Katawan
  37. ilahad muli ang argumento at ang talakayin ang magiging implikasyon nito.
    kongklusyon
  38. Kapag sa simula ay maipakita ang kahinaan ng argumento mas madali makukumbinsi ang mambabasa na paniwalaan ang posisyon.
    Panimula
Author
Yel
ID
356807
Card Set
Talumpati at Posisyong Papel
Description
FilipinosaPilingLarang
Updated